Boac, Marinduque – binigyang buhay ng Marinduque Sentro ng Wika at Kultura ang Tertuyang Pampanitikan noong Abril 27 sa pamamagitan ng Kolokyum con Paligsahan sa Pananaliksik. Sa pangunguna ng MSC SWK at Kolehiyo ng SIning at Agham Panlipunan, nagkaroon ng kolokyum at paligasahan para sa mga mag-aaral ng Batsilyer ng Ingles, Komunikasyon at Gawaing Panlipunan.
Tampok sa unang bahagi ang panayam kay Dr. Randy Nobleza, dating direktor ng SWK Marinduque at kasalukuyang Island Innovation Ambassador tungkol sa kaniyang sabbatical leave simula Enero hanggang Hunyo. Ang kasunod na bahagi ay paglalahad ng mga piling thesis at pananaliksik mula sa BA ELS, BAC at BSW. Sa tulong din ng mga hurado, Dr. Jovito Opeña, Prop. Rosalyn Dasco at Prop. Jean Grace Nazareno ay nakapili ng mga nanalo.
Tugma sa tema ng Buwan ng Panitikan: Pagkakaisa Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Pnaitikan, nagkaroon ng kaisahan ang iba-ibang disiplina sa ilalim ng CASS sa inisyatiba ng dekano at kasalukuyang direktor ng MSC SWK si Dr Ernesto Largado. Nagsilbi namang guro ng palatuntunan si Gng. Sheryl Podra. Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga tagapangulo ng bawat programa, si Bb. Jholey Rose Lancion para sa ELS, si G. Jerome Lingon sa Comm at si Gng. Rosalinda Punzalan ng SW. habang nagpinid naman ng programa ang Co-Direktor ng SWK Marinduque, Bb. Aubrey Jen Matibag.
Nauna nang nagkaroon ng serye ng pagbisita si May Morales-Dolis sa Tipsy Toes Café, Book Nook Marinduque at MSC gender and development para sa kanyang zine na “Ayon kay Kid Talaba.” Naipagpatuloy din ito sa pagdalaw sa komunidad ng Calancan bay at Cusin’a del Farma sa bayan ng Santa Cruz. Gayundin, nailahad din sa Radyo Kalamindig, bayan ng Buenavista ang mga sinagawang gawain sa zine tour mula Abril 18 at 19.