Likhai Art Exchange itutuloy ngayong Nobyembre 10-12

 

Boac, Marinduque – bagamat nagkaroon ng pagbabago sa petsa ng Marinduque Culture and Arts Festival, tuloy na tuloy na ang Likhai Marinduque ngayong weekend, Nobyembre 10 hanggang 12.

 

Sa unang araw, ay magkakaroon ng festival parade kasama ang drum and lyre ng Marinduque National High School sa Moriones Arena sa bayan ng Boac. Kasunod nito ay mayroon ding pambungad na palatuntunan, kasama ang punong lalawigan, Hon. Presby Velasco Jr, provincial administrator Kuya Mike Velasco  at panlalawigang direktor ng Department of Trade and Industry Roniel Macatol. May pagtatanghal din ng putong ang MNHS, Pangkat Kalutang at pagpapaliwanag sa gawain ang Union Locale.

 

Sabay-sabay ang mga palihan, art talks at eksibit sa mga venue. Ang tampok sa ikalawang araw ay ang sabayang pagpinta mula sa painting workshop class, malayang pintahan bukas sa lahat na magpapatala at artwork exchange, may blind date rin sa artwork para sa mga kalahok at manonood ng Likhai Marinduque.

 

Ang Marinduque Culture an Arts Festival ay bahagi ng inisyatiba na magkaroon ng creative/cultural industry  o orange economy sa lalawigan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad sa Marinduque. Sa pamamagitan ng Union Locale, suporta ng pamahalaang lokal ng Marinduque, DTI Marinduque, Island Innovation, MNHS at Marinduque State College kasama ang Alitaptap Artist Village, inaasahang una pa lang sa serye at palagiang gawain ang Likhai art exchange at Marinduque Creative Island Innovation.