Puno ang buong linggo ng mga gawain para sa Midterms o Hell Week kung tawagin sa pamantasan buhat pa noong panahon ako pa ang mag-aaral, hanggang ngayon na ako na ang nagtuturo. Bagamat may mas maagang uwian noong Lunes, para sa salo-salong pagkain ng Pamilyang Filipino. Ang sumunod na araw ay nakalaan para sa pulong ng pagpapanibago ng Book Nook Marinduque. Kahit hindi na ako ang area coordinator, mahalaga pa rin ang pagpapatuloy ng Book Nook sa isla nakalagak sa Mogpog Extramural Study Center. Makakatanggap ng Booster package ang mga naunang 2021 na area site ngunit kailangan magrenew ng kasunduan.
Ngayong Buwan ng Setyembre ay magkasabay ang pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month o PCIM at Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo). Nakapagsimula na ang Marinduque Triannale at Intangible Cultural Heritage Trifecta (Moryonan, Tubong at Kalutang). May mga mag-aaral na nagpasa sa 7th Japanese Studies in the Philippines Competition, tatlo sa kanila ay natanggap para lumahok sa darating na Oktubre 10-12 sa Unibersidad ng Pilipinas College of Asian Center. Gayundin may mga inihahandang abstrak para sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at Philippine Association for Language Teaching ang mga mag-aaral ng BA English Language Studies at BS Social Work. Nauna nang magpasa ang mga mag-aaral ng BA Communication ngunit hindi napili sa National Communication Research Conference, bagamat may dalawang dating mag-aaral ang BAC ang napili, sina Bb. Jimely Estoya at Bb. Andrea Saet.
Ngayong Setyembre ay nakatakda kasabay ng midterm exam ang International Conference on Science, technology and AI Applications. Idaaos sa Marinduque State University ang pandaigdigang kumperensiya at kasama ang College of Arts and Social Sciences na BSSW, BAC at BA ELS na programa. Mapalad na napasama ang pananaliksik ni Bb. Shienalyn Jinahon tungkol sa mga bersiyon ng tubong sa dalawang barangay sa Boac, Marinduque.
Sa katapusan, may pagtitipon ng mga pamantasan magkakaroon ng kurso sa Human Ecology sa UP Los Baños sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 2 kung saan panauhin ang isa sa mga kinikilalang tagapagtatag ng disiplinang ito sa Australian National University, si Dr. Robert Dyball. Kasama ang MarSU sa Philippine Human Ecology Consortium kasama ang University of Southern Mindanao, Palawan State University, Central Mindanao University, Nueva Viscaya State University ng UPLB at MARSU sa consortium.
Magkakaroon din ng pagkakataon na ilahad ang saliksik tungkol sa Mogpog, Marinduque at bahagi ng Political History of Marinduque sa ika-apat na Critical Island Studies sa Pamantasang De La Salle sa Maynila ngayong darating na Oktubre 3-4. Ang tema para sa taong ito ay “Political Lives of Islands”