Boac, Marinduque – Mayroong 20 kalahok mula sa Parokya ng Banal na Puso ni Hesus sa darating na linggo para sa Diocesan Pastoral Assembly gaganapin sa St. Mary’s College. Mula sa Parish Pastoral Council, Finance Council, Liturgy, Formation, Service, Youth, Batayang Pamayanang Kristiyano, BPK worker, stewardship, clergy, vocation, mission, public affairs, biblical apostolate, ecumenism, family & life, cultural heritage, parish secretary at social communication.
Nagkaroon ng mga serye ng pagpupulong sa pamumuno ng Kura Paroko ng Simbahan sa Poras, Fr. Jojie Mangui simula noong Abril 30 at May 5 upang mapaghandaan ang mga gawain sa pagtitipon para sa may 8 hanggang 10. Ang tema ngayong taon ng Pastoral Assembly ay “Sustaining BPK through the Spirituality of Stewardship.”
Ayon sa obispo ng Diocese of Boac, Bishop Junie Maralit Jr., magsama-sama upang balikan ang tanaw at makapagplano bilang simbahan at upang maging mabuting katiwala ni Kristo. Nagpaanyaya siya sa lahat ng mga mananatampalataya sa Marinduque sa pamamagitan ng socmed ng Diocese of Boac.
Ang Mayo ay buwan ng Pamana sa bisa ng Presidential Proclamation no. 439 at may temang “Heritage: Change and Continuity.” Magkakaroon ng iba-ibang gawain upang maitaguyod ang kamalayan, respeto at pagpapahalaga sa kalinangan at kasaysayan. Ang Diocese of Boac ay magkakaroon din ng Commission on Cultural Heritage para sa tunguhing ito. Gayundin, nagkaroon ng pagbubukas ang mobile museum at eksibit noong Abril 30 sa Biglang Awa Shrine Social Hall para sama-samang balikan ang mga mirakulo at pag-ibig ng Mahal na Birhen ng BIglang Awa sa Diocese ng Boac.