Paksa: Buwan ng Wika

responses
* Ano po ang inyong pananaw sa kahalagahan ng Buwan ng Wika sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mga kabataan? mahalaga ang pagdiriwang ng BnW sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa mga kabataan na lumaki na sa internet at tinaguriang digital native. Sapagkat, sisidlan ito ng kultura, lipunan at pagkakakilanlan natin bilang Filipino at mamamayan ng daigdig.
* Paano po ito nakakatulong sa pagpapanatili ng ating pambansang identidad? nakakatulong sa pagpapanatili ng ating pambansang pagkakakilanlan ang ating wika at pagdiriwang ng BnW para humarap sa mga hamon ng ika-21 siglo at darating pang panahon. Sa mga bayan, lungsod maging sa espasyo ng internet, mahalaga ang wikang Pambansa upang makilala at makakilala tayo ng kapwa Filipino.
* Ano po ang mga inisyatiba ng inyong sentro upang palakasin ang paggamit ng wikang Filipino sa akademya at komunidad? sa ngayon, nasa transisyon ang Sentro ng Wika at Kultura kasabay ng Marinduque State University. Nasa pamumuno na ito ni Bb. Aubrey Jen Matibag. Lumaki sa Batangas, tubong Mindoro at naglilingkod sa Marinduque. sa bahagi ko naman, pinupundar kong muli ang Island Studies at Creative Hub. Sentral ang usapin ng pagpapalakas ng Marinduque Tagalog at wikang Filipino sa akademya at maging sa komunidad.
* Paano po natin mas mapapalaganap ang pagkilala sa iba’t ibang rehiyonal na wika sa Pilipinas? sa tulong ng iba pang lokal na rehiyonal na sentro ng wikang Filipino na nagsisilbing bisig ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagpapalaganap ang pagkilala sa iba’t ibang rehiyonal na wika sa bansa.
* Paano po ninyo nakikita ang papel ng pag-aaral ng Philippine Studies sa pagpapalalim ng pag-unawa sa ating wika at kultura? bagamat wala nang asignaturang Filipino sa kolehiyo liban sa mga pamahalaang paaralan lumalaban sa epekto ng k12 na pagbabago. Kahit ang kasaysayan sa hayskul ay hindi na rin tinuturo at tahasang binabago o nirerebisa. Ang Pilipinolohiya ay nagsisilbing antidote para sa pag-unawa ng wika, kultura at midya.
* Sa inyong karanasan, ano po ang pinakamalaking hamon sa pagtuturo ng wikang Filipino at kulturang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon? nagulat ako sa datos na ang mga kabataang nasa paggitan ng edad 18-24 ay malungkot sa buong sa Asya kahit sa buong mundo. Siguro dahil sa kalikasan ng social media. Babad masyado ang mga kabataan sa content na sila mismo o kaedaran ang gumawa. Mahalaga maging behikulo ang wikang Filipino ng pagtuturo ng wika, kultura at lipunan.
* Paano po nakakaapekto ang mga modernong anyo ng media sa paggamit ng wikang Filipino? malaki ang epekto ng modernong anyo ng media sa paggamit ng wikang Filipino, nakasalalay dito kung popular o viral sa kabaliktaran ay laos o hindi na sikat ang wikang sariling atin. Mas uso ang hangeul, ingles, mandarin o iba pang salita.
* Ano po ang inyong opinyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng media criticism sa Pilipinas? Paano po ito nakakatulong sa pagpapayaman ng wika at kultura? sana ay maging bukas ang kasalukuyang kalagayan ng kritika sa bansa. Hindi tayo nasanay sa mga puna at debate. Napakahalaga nito pareho sa wika at kultura. Kung may pagpaplano sa wika sa pamamagitan ng kurikulum, gayundin mayroong kultural na pamamahala.
* Anong mga proyekto ang inyong nakikita bilang susunod na hakbang sa pagpapalaganap ng ating wika at kultura sa Marinduque at sa buong bansa? sa ngayon, pinagtutuonan natin ang ating trifecta ng mga pamanang higit pa sa nasasalahat o ICH kagaya ng moryonan, tubong at kalutang. Magkakaroon tayo ng triannale ng mga programa, gawain at proyekto tungkol dito simula ngayong taon hanggang 2030 kaagapay ang Marinduque Provincial Council for Culture and the Arts.
* Sa inyong pananaw, ano po ang kinabukasan ng wikang Filipino sa susunod na dekada? malapit na ang sentenaryo ng wikang Pambansa sa 2035. Mag-iisang daang taonn na ang wikang Filipino sa loob ng isang dekada at isang taon. Palagay ko nakasalalay sa ating gagawin o hindi gagawin ang hinaharap ng wikang Pambansa sa susunod na mga taon.