Health and Wellness break para sa mga mag-aaral at kaguruan ng MarSU pagkatapos ng Midterms sa pagsisimula ng Oktubre

Ang buwan ng Oktubre ay personal na may kahalagahan para sa akin, hindi lang natapos ang buwan ng Setyembre at sabbatical leave ko kundi lampas isang taon na buhat nang ma-aksidente kami sa Tiaong, Quezon. Ang Oktubre din ay pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo at Museo at mga Galeri.

Katatapos lang midterms o hell week ng Setyembre 25 hanggang 27, kaya naman may Health at Wellness break para sa mga mag-aaral dahil mayroong Family day ang mga kaguruan noong Setyembre 30 at para naman sa kanila ang Oktubre 1 na walang pasok.

Ang sabbatical leave ko ay nagsimula noong Abril 1 hanggang Setyembre 30, sa paggitan nito ay nalimbag ang isang bahagi ng disertasyon ko sa Malay journal tungkol sa Center for Kapampangan Studies. Gayundin ay lumabas sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas ang mga monograph tungkol sa mga bahay saliksikan sa bansa kasama ang Cebuano Studies Center at Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue.

Nagbukas din ng opurtunidad ang Human Ecology at Critical Island Studies kasabay ng Buwan ng mga Katutubong Pilipino, Museo at mga Galeri at mga Silid-Aklatan maging ng mga Serbisyong Pang-impormasyon. Kaya naman may pahabol na pagpapasinaya ang bayan ng Boac ng liwasan nito kasama ang pagbubukas ng Moryonang Museo.

Nakapagsimula ang mga mag-aaral ng College of Arts and Social Sciences sa Ph Intangible Cultural Heritage Inventory forms tungkol sa Marinduque Trifecta at Moryonan, Tubong, Kalutang Triannale. Pagbati din sa mga mag-aaral na nakakwalipika sa 7th Japanese Studies in the Philippines at nagpasa ng mga abstrak sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, Ugnayang Agham pangtao, Communication Research at Language Teaching.