* What makes a research study truly meaningful and relevant in the context of the arts and social sciences? (Ano ang nagbibigay ng tunay na kahulugan at kabuluhan sa isang pananaliksik sa konteksto ng sining at agham panlipunan?) Batay sa CASS research roadmap 2026-30, tunay na makabuluhan ang pananaliksik kung sa konteksto ng humanidades at agham panlipunan ay maipagpapatuloy ang nasimulang kultural na pagmamapa at imbentaryo ng pamana para maging basehan ng malikhaing kabuhayan sa isla. Tungkol naman sa Araling Pang-isla at Inobasyon, magiging mas may kabuluhan kung ikokonsidera ang parehong agham panlipunan at natural na agham upang maging salalayan ng inobasyon at matagalang epekto sa komunidad.
* What challenges do professors commonly face in sustaining research engagement, and how can institutions better support you? (Ano ang mga karaniwang hamon na nararanasan ng mga guro sa pagpapatuloy ng kanilang pananaliksik, at paano kayo higit na matutulungan ng mga institusyon?) Na-obserbahan ko, maging sa sariling danas sa huling dalawang siklo ng promosyon at bagong kalatas sa reklasipikasyon, ang nagsisilbing hamon ng mga guro sa pagpapatuloy ng pananaliksik ay ang sagad na load sa pagtuturo, administratibong gawain, pagpapalakas ng sistema ng insentibo para sa parehong siyentipiko at malikhaing saliksik. Maging ang tuloy-tuloy na repository o paglalagakan ng saliksik sa anyo ng kolokyum at paglilimbag kung hindi man paglalahad sa mga kumperensiya sa labas ng pamantasan na medyo dahop sa pondo.
* How can collaboration between Communication, Social Work, and English Studies lead to more meaningful and socially responsive research? (Paano makatutulong ang pagtutulungan ng Communication, Social Work, at English Studies sa paglikha ng makabuluhan at tumutugon sa lipunang pananaliksik?) Makatutulong ang kolaborasyon ng BA Communication, BS Social Work at BA English Language Studies sa paglikha ng makabuluhan at tumutugon sa lipunang pananaliksik. Batay pa rin sa CASS research agenda 2026-30, ang BAC na saliksik ay makapihit mula sa mass communication tungo sa social media na ekosistema. Gayundin, ang ELS na saliksik ay maka-alpas sa linggwistika tungo sa araling wika. Maging ang oryentasyon ng BSSW na may adhikain at pag-oorganisa ng mga komunidad sa isla.
* In your experience, what motivates faculty members to pursue research despite time, funding, or workload challenges? (Batay sa inyong karanasan, ano ang nagtutulak sa mga guro na ipagpatuloy ang pananaliksik sa kabila ng kakulangan sa oras, pondo, o bigat ng trabaho?) Nabanggit din sa Roundtable Discussion, sa talakayan nina Prop Panchito Labay, Neil Sapungan at Katuwang na Prop. Cher Luna, ang ilan sa karanasang nagtutulak sa mga guro na ipagpatuloy ang pananaliksik sa kabila ng kakulangan sa oras, pondo o bigat ng trabaho ay kuryosidad o pagkakaroon ng interes sa mga bagay-bagay. May ilang mag-aaral din ang sumali sa talakayan at nag-ambag imbis na nakabase sa problemang saliksik ay nakasandig sa solusyon o inobasyon. Sa huli, kung hindi katanggap-tanggap ang sitwasyon sa kasalukuyan, maaaring maghanap ng alternatiba o inobasyon bilang reporma sa umiiral na kondisyon.
*How can professors encourage students to see research not just as a requirement, but as a tool for understanding and transforming society? (Paano mahihikayat ng mga guro ang mga mag-aaral na makita ang pananaliksik hindi lang bilang requirement, kundi bilang kasangkapan sa pag-unawa at pagbabago ng lipunan?) Marahil makikita ng mga mag-aaral na higit pa sa kahingian ang pananaliksik kundi pwedeng maging kasangkapan sa pag-unawa at pagbabago sa lipunan kung ang mga propesor ay magtatanim ng mga binhi sa isipan na pwedeng baguhin ang mundo sa pamamagitan ng bunga ng saliksik na nagsisimula sa ideya, pananaw o perspektiba sa daigdig.