Buwan ng Pambansa at Lokal na Pamana

Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, anihan, pista ng mga patron at Santa Cruzan. Dati-rati’y bakasyon o walang pasok, uwian sa mga probinsya at panahon ng mga reunion o alumni homecoming. Higit pa sa mga nabanggit, ang Mayo ay para sa Pambansa at Lokal na Pamana.  Kaugnay nito ang mga gawaing nagtataguyod ng kultura, tradisyon, sining at kultura. Magsasagawa ng ang lalawigan ng Quezon ng Pamanang Quezonian para talakayin ang national flag at heraldic law. Gayundin, mapag-uusapan ang mga bagong probisyon ng RA 11961 o inamyendahang batas para sa pamana. 

Simula noong Abril 2018, sumailalim ako sa pagsasanay ng Cultural Mapping sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), ang unang dalawnag toka sa akin ay ang bayan ng Mogpog at Buenavista. Marami pang sumunod dito, pero naunang natapos ang kabisera ng Marinduque sa pamamagitan ng pagsasanay sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Boac North at Boac South na mga distrito. Salamat kay Dr. Eric Zerrudo at sa University of Santo Tomas (UST) Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics (CCCPET), nagkaroon ng modelo ang Marinduque. 

Mula noong Marso 2020, bagamat naidaos naman ang sentenaryo ng pagsasarili ng Marinduque sa lalawigan ng Tayabas (Quezon ngayon) ay natengga din ang mga cmap na proyekto. Pero nakakuha ng pagkakataon ang Santa Cruz at Gasan upang makapagsanay sa paraang hybrid, sinasadya ko ang dalawang bayan habang ang mga kasama kong tagapagpadaloy ay via zoom o online na platform. Nakatapos ng CMAP ang parehong bayan at nakapagturn over ng kani-kanilang mga local cultural profile. Samantala ang bayan ng Boac at lalawigan ng Marinduque ay kani-kaniyang gumawa at nagpasa ng kanilang Philippine Registry of Cultural Property (PRECUP) sa NCCA. 

Samantala noong Agosto 2023, pagkagaling sa Philippine Book Festival at Panagtapok Book Nook conference Davao bago simulan ang community validation sa Bayan ng Mogpog, hindi na ako nakabalik hanggang katapusan ng taon sa bisperas ng pista ng Boac ng Disyembre 8. Sa paggitan nito ay nakatapos na ang bayan ng Torrijos ng kanilang cultural mapping sa tulong ng Grupo Kalinangan Inc, at nakapaglahad ako sa UST ng komparatibong analisis sa NCCA, GKI at CCCPET ng cultural mapping sa okasyon ng ika-20 taon ng UNESCO convention for safeguarding of Intangible Cultural Heritage. 

Nang bumalik sa pamantasan, ganap na ang Marinduque State University mula sa pagiging college. Pinapatuloy ko ang naismulang bokasyon para sa pamana. Noong May 2023, bago ma-aksidente sa Tiaong, nakapaglahad pa ako sa lalawigan ng Quezon kasama ng halos 50 bayan at lungsod nito ng tungkol sa CMAP at PRECUP. Ngayon ấy makapagbahagi muli tungkol sa Philippine Intangible Cultural Heritage Inventory (Ph ICH Inventory).

Pagpapatuloy ito ng panata para sa pamana, bilang munting ambag sa lokal at pambansang usapin sa Marinduque at Quezon. Kinikilala kahit sa content creation, Science and Technology at storytelling spaces ang ganitong tunguhin. Para sa akin, pinakamahalaga ay ang stories associated na magiging basehan ng kahalagahan o significance ng mga pamanang hindi natitinag (built), natitinag (movable) at maging buhay na dunong (intangible). Para matukoy ang ubod ng kwenta at kuwento ng pamana, upang mabigyan ng proteksyon o safeguarding measures ito. Hindi lamang sa atin, sa komunidad, rehiyon o bansa kundi kahit sa labas nito ay mabibigyan ng karagdagang halaga at istorya ang pamana.